Hindi Maipaliwanag

Maraming ala-ala ang aking pilit kinakalimutan,

Mga problemang nais ko na lamang talikuran,

Hindi pa din maalis ang sakit na nararamdaman,

Ngunit lahat ng ito’y nangyari dahil may dahilan.

 

Puso’y pilit sinasambit ang katagang ayaw nang marinig,

Ng utak at isipan kong sawang-sawa na sa pagpaparinig.

Laging pinapaalala ang mga bagay na masama ang pintig,

Pero buong pagkatao’y ikaw pa rin ang tanging bukambibig.

 

Katulad ng aking isip na napakalalim kung inyong sisisirin,

Mga kabunduka’y walang sinabi sa taas ng aking nais abutin,

Parang kolektor sa nakuhang bigat ng sakit na kayang tiisin,

Ako’y pagod na’t sana nama’y pagpahingahin at lisanin.

 

Oo, nakuha ko na nga siguro ang lahat ng aking gusto,

Pati ang masasakit na salitang nabitawan ng kung sino-sino.

Pero walang kasiguraduhan sa nararamdaman ko para sayo,

Ngunit di pa rin handa magmahal lalo na sa tulad mo.

 

Nais ko na lamang itago at sarilinin na lang ang lahat,

May mga bagay na hindi ko kailanma’y kayang ipagtapat,

Ibang tao’y nagmistulang manghuhula kahit hindi dapat,

Sana lamang tumigil na ang walang sawa nilang satsat.

 

Sa kwentong ating nabuo sa matagal na panahon,

Di inakalang malalagpasan natin ang pagsubok noon,

May mga pumigil man at pilit tayong hinahamon,

Pero nananatili tayong matatag hanggang ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s